Saturday, February 7, 2009

Noong Mga Bata Pa Tayo

"Kabila ka ba sa huling taon ng '80s at mga unang taon ng '90s?"

This is my first attempt to write something in my native tongue. I find it really difficult to read and write in Filipino sadly because I was too consumed by the Western Culture and well I was used to the English language when I read or write anything practically all my life. And if you really listen to me in Filipino you will find so many flaws in my grammar that if I was speaking in English I would sound like that trying hard idiot I wrote about in my 'Nakaka-In Love Talaga' blog entry. Hence, the reason why I'd rather not write anything in Filipino, I'm a disgrace! Jose Rizal might roll over his grave if he hears my Filipino!

Sabi ko nga mag-tatagalog ako diba... Eh bakit English pa rin ako ng English?

Back to the topic. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin yan sa Tagalog! Kaya pagtiyagaan nyo nlng na Taglish itong article ko ngayon! Good luck....sakin at sa kawawang magbabasa nito! Hahaha! Matagal ko na natanggap yang text message tungkol sa mga Old Skool memories, meron din ngang email nyan diba? Naisip ko na sa Filipino ito isulat kasi mas nakakatawa kaysa sa wikang Ingles tska para mas ma-gets nyo. Pero dahil buwan ng mga puso ngayon at tila lahat ng mga tao ay tungkol sa pag-ibig ang paksa ng mga blogs nila eh naisip ko na maging pasaway and talk about something totally different and irrelevant! Ganyan ang mga KSP!

Kaya nag-isip ako ng sarili kong version ng mga naalala ko nung bata pa ako umpisahan na natin sa:
  • Pagtawag ng KSP (Kulang Sa Pansin / Kulangot Sa Pader) sa kaaway o kagalit mo - maari itong sabihin sa halos lahat ng pagkakataon dahil pwede mong iba-ibahin ang ibig sabihin basta gusto mong mang-asar. Nauso din nun ang "Bal Mo!" na sasagutin naman ng "Anong Bal Mo?! Wala dito si Bal Sotto!" o di kaya "Pendong may pagong! Alas!" sabay babatukan ang katabi kapag nakakita ng Volkswagen. Ewan ko ba kung sinong nag-papauso ng mga ganyan!

  • Ako si Pink Five - pero laging ipagpipilitan ng ate ko na ako si Yellow Four, syempre ayoko kasi hindi naman siya kasing cute ni Pink Five diba? Lahat ata ng batang babaeng nakalaro ko gusto sila lagi si Pink Five kaya ayun ang alam kong laruin na Bioman ay Red One, Green Two, Blue Three, Pink Five, at Pink Five. Oo... dalawa nalang kaming Pink Five para walang away!

  • Gumamela at Lupa - yan ang ingredients sa larong luto-lutuan namin.... as in totoong lupa kaya galit na galit yaya ko sakin tuwing umuuwi akong madungis!

  • Habulin ang tsinelas.... sa kanal - ihuhulog yung tsinelas sa kanal ng isang street tapos susundan namin hanggang saan ito makarating... exciting diba? Malas lang kung kaninong tsinelas yun! Meron din namang bangkang papel pero tuwing may bagyo lang yun at nagbabaha


  • Naglaro din ako ng Patintero, Piko, Moro-Moro at 10-20 - pero hanggang sa bewang lang kaya kong abutin minsa-minsan pa yun ha kasi ang liit ko nung bata ako (hanggang ngayon naman)... ngayon wala na akong nakikitang mga batang naglalaro ng ganyan sa labas namin thanks to the internet, Play Station, Wii at kung anu-ano pang gadgets kaya bata palang tinuturuan na maging sedentary ang lifestyle!

  • Atari at Game 'n Watch - yan ang 'gadgets' nung panahon na yun. Iniyakan ko pa yan! Dalawa na nga lang kami ng ate ko eh nag-aagawan pa kami! Pero mas masaya pa rin maglaro sa labas ng bahay!

  • Batibot, Okay Ka Fairy Ko, Eat Bulaga, Little Miss Philippines - yan ang mga paborito kong panoorin noon... Favorite ko sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Kuya Bodjie, Ningning, Aiza Seguerra, Pipoy, Ruby at Ina Magenta. Isama mo na rin sa mga paborito ko si Rene Requeistas, sayang nga at ang aga nyang na-dedo!

  • Si Cedie at Princess Sarah - sila ang mga kasama ko tuwing umaga. Kaya nga nung pinalabas ulit yan ng ABS-CBN ngayong matanda na ako tuwang-tuwa talaga ko!




  • Pritos Ring, Chikadeez, Pompoms at Bazooka - yan ang mga paborito kong bilhin sa tindahan. Nilalagyan ko pa ng Pritos Ring lahat ng daliri ko. Yung Chikadeez naman may free na parang malagkit na bear na ewan ko kung anong silbi nun basta alam ko gusto namin yun dahil sa mga kung anik-anik na free. (Hindi ako yang batang gusgusin sa larawan sa itaas na kumakain ng Pritos Ring)

  • Stars, How Gee at Always (with matching "butterfly" dance steps ng UMD) - "Always... I wanna be with you and make believe with you..." Yan ang mga sinayaw at kinanta ko noon, hindi Macarena at Boombastic na nakalagay dun sa forwarded text message. "I hope, I hope you comprehend..."

Madami din akong maling akala nung bata ako o yung tinatawag na 'misconceptions' sa Ingles. Ito ang ilan sa mga naalala ko pa. Nakakahiya man ngunit, datapwa't, subalit hanggang ngayon natatawa ako, buti nalang cute ako nung bata ako (hanggang ngayon naman)!

  • Mispronounced words - napakarami nito at habang tumatanda ako doon ko na lamang unti-unting nadidiskubre kung anong tamang pag-bigkas sa mga salitang ito! Nariyan na ang "Taympers" na time first pala... "Happyslip" na half slip pala (nanay ko kasi yun ang tawag diyan hanggang ngayon!)... "Batingshoot" na bathing suit pala (narinig ko naman yan sa yaya ko)
  • Misheard Lyrics - syempre madami din ito! Nariyan na ang kanta sa jump rope na "I love you telly bear telly bear, touch the ground, turn around, touch the ground and a turn around!" kaya pala ayaw ako isali ng ate ko sa mga laro nila! Pati na rin yung nursery rhyme na "Bah bah black sheep, any any wolf" nalaman ko nalang ang tamang lyrics nung narinig kong kinakanta ng pamangkin ko na 2 years old! Kailan ko lang rin nalaman ang tamang lyrics ng "Too legit, too legit git kwe" ay "too legit, too legit to quit" pala nung napanood ko sa Myx yung MTV. Yung "Vanilla ice ice baby, may munggo pa sa dulo" ay hanggnang ngayon ganyan ko kinakanta. At etong kanta na 'to hanggang ngayon hindi ko alam ang tamang lyrics "Angelinaaa... mabaho *tootoot* mo, di naghuhugas kinalikot mo pa..." (narinig ko lang yan sa mga klasmeyts kong boys nung 5th grade ata....mga lalake talaga o! tsk tsk...)
  • Tuwing kumakain kami sa Jollibee akala ko ang yaman yaman namin.
  • At nung lumipat kami mula sa Makati papunta sa isang village dito sa south akala ko talagang mayaman nga kami kasi meron pang playground... hindi pala! 25 years to pay ang bahay namin at meron ngang playground wala namang club house!
  • T-shirt with folded sleeves, shoulder pads, tokong, espadril, square pants, suspenders, blue dress na may print ng mga dilaw na pinya at Troll na nakakagat sa shoe laces ng Barbie rubber shoes ko - eto ang inakala ko na astig na porma! Feel na feel ko pa talaga ang get-up ko nung mga panahon na yun...ngayon ko lang nalaman na....ANG BADUY PALA! Samahan mo pa ng ugly hairstyle! Nung nauso ung kulot nakisabay naman ako kaya lalo tuloy ako nagmukang galing sa bulubundukin ng tralala kasi maitim na nga ako tapos kulot pa...gets nyo na yun! I'm sure 10 years from now when I look back at the photos of "2009 Me" eh iisipin ko na ang baduy ng porma ko nung 27 yrs old ako! (wag naman sana!)
  • Pinagdasal lang daw ng mga magulang ko na magkaroon sila ng baby kaya daw bigla nalang akong tumubo sa tiyan ng nanay ko....yan ang sabi nya nang tanungin ko siya kung paano niya ko pinag-buntis.
  • Kaya tuloy inakala ko na ampon lang ako at ako ang nawawalang anak ng hari at reyna ng Brunei o kung ano mang mahiwagang kaharian! Akala ko talaga prinsesa ako!
  • Tuwing naglalaro ako ng Barbie o nakikinig sa mga fairytales iniimagine ko na isang araw makakatagpo din ako ng sarili kong Prince Charming. Yung gwapo, as in His Royal Hotness talaga at dadalhin niya ako sa aming sparkling castle. Paniwalang paniwala talaga ako na ang unang boyfriend ko ang "Happily Ever After" ko.... yun pala madami pa pala akong kailangang pagdaanan na mga pagsubok---makulong sa tuktok ng tore, pumaslang ng dragon at humalik ng isang katutak na palaka...

Ang maging bata nga naman... haaay....




P.S. Akala ko din noon totoong alien sina Sitsiritsit Alibangbang... Hindi pala!

4 comments:

  1. hahahaha..ayos Mich!..

    ayos naman tagalog mo a..mas magaling ka pa nga saken e..lolz..

    naalala ko tuloy lahat ng binanggit mo...nakakaaliw mag balik tanaw...

    Nice nice mich...

    ReplyDelete
  2. pajay:
    natawa nga ko when i found an old pic of me eating pritos ring! classic talaga! haha!

    im pretty sure if my Panitikan professor in college would get the chance to read this eh ang daming ng red marks ng sinulat ko! hehe...

    maraming salamat Ginoong Arkitekto! =)

    ReplyDelete
  3. wow! galing... swabeng-swabe naman ang tagalog mo ah... galing din ng topic...ahehehe...kung ako ang prop... 10/10 ang grade mo.. :)... katuwa no?..masarap maging bata, masarap ulit pagdanaan ang mga kakulitan na yan, pati ang pagkanta na ang lyrics ay kakaiba....ahehehe.. tapos alam mo ung damit na kung tawagin ay "ACID WASH" ....peyborit yan nun mga panahon na yan...

    "Paniwalang paniwala talaga ako na ang unang boyfriend ko ang "Happily Ever After" ko.... yun pala madami pa pala akong kailangang pagdaanan na mga pagsubok---makulong sa tuktok ng tore, pumaslang ng dragon at humalik ng isang katutak na palaka..." ---mukhang related ito sa isang entry ko ah... CLICK ME!

    ReplyDelete
  4. napaghahalata ang edad natin ah..... ilang taon ka na ba? di ba 27 ka na? pasaway ka ikaw ba si pink 5 ako naman si red 1.... nice one mitch... habang tumatagal gumagaling ka ng mag sulat ah.... nice one ..... kip it up..... IDOL!!!!!!!!

    ReplyDelete